22

By

Konsehal sa Siquijor patay sa riding-in-tandem

Sharing is caring!

Binaril ng mga nakasakay sa motorsiklo ang isang municipal councilor sa bayan ng Lazi sa Siquijor bandang alas-6 ng gabi nitong Huwebes, sa harap ng isang palengke sa Siquijor, Siquijor.

Ang namatay na konsehal ay kinilalang si Domingo Arcamo II, na sabak sa kanyang unang termino, ayon kay Senior Inspector Mark Edward Barrios.

Naghihintay lang umano si Arcamo para sunduin ang asawa na nagtatrabaho sa district hospital ng Siquijor nang biglang pagbabarilin ito ng dalawang beses ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Nagkaroon ng tama ang konsehal sa dibdib at sa bandang tiyan dahilan upang masawi ito.

Tinitingnang anggulo ng mga awtoridad ang posibilidad na sangkot sa droga ang nasabing pagpatay, na ayon kay Lazi Police Station Chief Eugenio Raganas Jr. sa Bombo Radyo Cebu, ay naging drug surrenderee si Arcama ngunit lusot sa rehab ng DOH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?