gun
By

Konsehal sa Sariaya, Quezon patay sa pamamaril

Sharing is caring!

Dead-on-the-spot ang isang konsehal ng Sariaya, Quezon matapos pagbabarilin kaninang umaga sa Sitio Manalo Brgy Sampaloc 2.

Ang nasawing konsehal ay kinilalang si Aristeo Manalo Ilao, 55 anyos.

Ayon kay CALABARZON Regional Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar, alas-9:00 ng umaga kanina ng mangyari ang pamamaril sa biktima ng dalawang lalaking sakay ng motorisklo.

Sa inisyal na report, papasok ng kanyang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ito.

Tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril, sakay ng kulay ng dilaw at itim na motorsiklo patungo sa direksyon ng Maharlika Hi-way.

Nagpapatuloy ang follow-up operation ng mga pulis para matukoy at matunton ang mga suspek at malaman ang motibo sa pamamaslang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?