20

Jan 25, 2021 @ 16:14
By

Konsehal sa Samar inambus, tigok

Patay matapos pagbabarilin ang isang konsehal sa Pinabacdao, Samar kaninang Lunes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sammy, Lagario, 50 anyos, kasalukuyang kasapi ng Sangguniang Bayan at dating pinuno ng Barangay Parasanon.

Ayon sa ulat na umabot sa PNP regional office, minamaneho ng biktima ang isang motorsiklo papunta sana sa town hall nang atakihin siya ng gunman sa Barangay Laygayon, bandang 9:25 ng umaga, Enero 25.

Samantala, hindi naman nasaktan ang angkas ni Lagario na si Robert Balundo, isa ring konsehal.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?