29
arrested
By

Konsehal sa Marawi, 3 pa, timbog sa buy-bust

Sharing is caring!

Apat na maimpluwensiyang persona, kabilang ang isang konsehal sa Marawi City, ang nahuli sa buy-bust ops sa Iligan City.

Sa report ng GMA News TV, sinaad na nahuli sina Noraima Magandia, isa umanong ‘drug queen’ ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, kasama ang kanyang anak, Akbar, at asawa, Hussein, sa kanilang bahay sa Barangay Tubod sa nasabing lungsod.

Nahuli rin si Marawi councilor Amienquailed Dimal na nahalal sa posisyon noong 2016.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service Acting Director Levi Ortiz, matinik na drug queen si Magandia na hinihinalang tagasuplay ng iligal na droga sa Luzon at Visayas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?