11

Sep 28, 2020 @ 14:58
By

Konsehal sa Maguindanao tinambangan, patay

Dead on the spot ang isang konsehal sa Guindulungan, Maguindanao nang ambusin ng mga hindi pa kilalang suspek kaninang umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Morsid Lauban.

Ayon sa ulat ng pulis Guindulungan, sakay ng kanyang itim na Toyota pickup truck si Lauban at papunta na sana sa munisipyo para sa flag-raising ceremony nang harangin at pagbabarilin sa liblib na bahagi ng highway sa border ng Guindulungan at Talayan pasado alas-7 ng umaga, Setyembre 28.

Namatay doon din ang konsehal.

Samantala, sugatan ang dalawa niya pang kasama na hindi pinangalanan ng pulisya para sa kanilang seguridad.

Patuloy naman umano sa pagtugis sa mga gunman ang pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?