22

Apr 4, 2021 @ 18:41
By

Konsehal sa La Union bistado sa iligal na armas

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang isang konsehal sa isang bayan sa La Union dahil sa pag-aari ng iligal na armas.

Kinilala ni PNP chief Debold Sinas ang suspek na si Michael Mapalo, isang konsehal sa bayan ng Tubao, La Union.

Sa search warrant operation na kinasa kay Mapalo, nakita sa kanyang bahay ang isang .45 caliber pistol at 5.56mm M-16 Baby Armalite Rifle Elisco, pati mga bala nito.

Nang tanungin si Mapalo para sa dokumento ng mga baril, wala itong naipakita.

Dahil dito’y kinasuhan siya ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

“Anyone who has either expired license or unlicensed firearms can coordinate with the nearest police station for them to be able to assist in the proper disposition of the firearms. Otherwise, the PNP will be forced to file a search warrant and confiscate the firearms with corresponding charges against the violators,” saad ni Sinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?