23

Dec 6, 2021 @ 17:11
By

Konsehal sa Ilocos Norte niratrat

Patay ang isang konsehal sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte matapos tambangan ng riding in tandem nitong Lunes.

Ayon sa ulat, pasakay sa sasakyan niya ang biktimang si Apolonio Medrano matapos dumalo sa flag-raising ceremony ng alas-8:10 ng umaga sa Sarrat town hall nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril siya.

Inabangan umano si Medrano sa lugar kung saan niya madalas igarahe ang kanyang sasakyan kapag dumadalo ng flag-raising ceremony.

Nadala pa siya sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival. (IS)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?