16

By

Konsehal sa Davao, arestado sa droga

Sharing is caring!

Dinakip ang isang municipal councilor matapos mahulihan ng shabu at drug paraphernalia sa isang checkpoint, Miyerkoles ng hapon sa Davao Oriental.

Kinilala ni Col. Nolasco Mempin, commander of Task Force Davao, ang suspek na si Eugene Rhoy Balante, 27, residente ng Barangay Central at miyembro ng Manay Municipal Council.

Nabatid na nakitaan si Balante ng iligal na droga nang dumaan ito sa isang checkpoint sa Barangay Lasang sakay ng kanyang van na may plakang LGW 896 mula Manay, Davao Oriental patungong Davao City.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong residue ng shabu, dalawang improvised glass tube, dalawang lighters at isang improvised needle.

Samantala, bago pa man nahuli si Balante, nakumpiskahan naman ng isang sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000 ang suspek na si Raymund John Cordero Alternado, 29-anyos.

Sakay si Alternado ng isang Alrahima Taxi mula Tagum City patungong Bangkal, Davao City at nasita sa isang checkpoint.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?