60

Konsehal sa Cebu, todas sa ambush

Sharing is caring!

Patay ang isang konsehal sa timog bayan ng Cebu matapos tambangan ng riding in tandem.

Kinilala ni Senior Inspector Adrian Nalua, hepe ng San Fernando Police Station, ang biktima na si Alexander Alicaway, municipal councilor ng San Fernando, Cebu.

Naganap ang ambush sa likuran na gate ng isang palengke sa San Fernando kaninang alas 5:00 ng hapon.

Ayon kay Nalua, dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang bumaril kay Alicaway.

Naisugod pa sa ospital ang konsehal ngunit idineklarang dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?