72
views
pindigan-abra

Konsehal binaril sa Abra, patay

Sharing is caring!

Sa kabila ng ipinapatupad na election gun ban ng Commission on Elections ngayon dahil sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, napatay sa pamamaril ang isang village councilor sa Pidigan, Abra nitong Linggo.

Kinilala ng Abra police ang biktima na si Victor Pisco, village councilor sa Barangay Monggoc.

Kasama nito ang asawa na si Elida at kapatid na si Myrna Vasquez nang pagbabarilin sila sa labas ng bahay ng dalawang ‘di pa kilalang kalalakihan.

Nakaligtas sa pamamaril sina Elida at Vasquez matapos dalhin sa ospital habang idineklarang dead on the spot si Victor.

Ayon sa ulat, hindi inaalis ang posibilidad na may kinalaman sa pulitika ang motibo sa krimen.

Kakatapos lang umano na maghain ng certificate of candidacy ni Victor nang maganap ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?