11

Sep 14, 2021 @ 10:47
By

Konpirm! BTS, Coldplay may pasabog na collab

Dream collab kung maituturing ng marami ang pagsasanib-pwersa ng BTS at Coldplay.

Good news! Magkakatotoo na ito!

Kinumpirma kasi ng dalawang grupo sa kanilang Twitter na may collabariation sila.


“#MyUniverse // Coldplay X BTS // September 24th //” tweet ng Coldplay na may kasamang poster ng kanilang bagong awitin.


Bagaman sa Setyembre 24 pa ilalabas ay maaari nang mag pre-order ang mga fan sa isang online shop.

Ayon sa ulat ng GMA News, bahagi ang “My Universe” sa bagong album ng Coldplay na “Music of the Spheres” na siayng ilalabas sa Oktubre 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?