63

Dec 12, 2017 @ 15:18
By

Kongreso, rubber stamp sa martial law extension – Lagman

Asahan na daw na magiging rubber stamp ng Malakanyang ang buong Kongreso para sa mabilisang pag-apruba ng isang taong extension ng martial law sa mindanao.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, patunay na nito ang pagtatakda lamang ng isang araw para sa debate sa hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapalawig ng batas militar.

Itinaon pa anya ang isang araw na joint session sa huling araw ng sesyon bago ang kanilang Christmas break.

Nangangamba ang kongresista na masasakripisyo lamang dito ang Konstitusyon para sumunod sa pressure ng presidente.

“It appears that the supermajority in each Chamber is prepared to act as the President’s rubber stamp even as the debates will be limited and rendered inconsequential,” ani Lagman.

“The Constitution will be sacrificed at the altar of presidential importuning,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?