22

Oct 6, 2020 @ 17:00
By

Kongreso pinasa 2021 budget sa 2nd reading

Hindi na tinapos ng Kongreso ang debate batay sa mosyon ni House Speaker Alan Peter Cayetano para sa P4.5 trillion 2021 national budget at pinasa ito sa second reading nitong Martes.

Kaagad naman itong sinang-ayunan ng ibang kongresista, dahilan para masuspende na ang sesyon hanggang November 16.

Ito’y sa kabila ng bangayan sa Speakership nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco base sa term-sharing agreement nila na sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil suspendido na ang sesyon sa House of Representatives, hindi mapababakante ni Velasco kay Cayetano ang Speakership base sa kanilang kasunduan na magbibitiw dapat ito sa pwesto pagsapit ng October 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?