40

Kongreso hindi pwedeng pagkatiwalaan sa ChaCha – Kiko

Sharing is caring!

Hahadlang umano ang Liberal Party sa isusulong ng administrasyong Duterte na Charter Change (Cha-Cha).

Mariing sinabi ni Senador Kiko Pangilinan na hindi magpakakatiwalaan ngayon ang Senado at Kamara na mag-aamiyenda sa Konstitusyon.

Dahil ito sa inasal ng mga kapwa mambabatas at sa itinakbo ng mga pagdinig nito sa mga kontrobersiya ng administrasyong Duterte.

Inihalimbawa ang imbestigasyon ng Senado sa extrajudicial killings kung saan inabswelto si Pangulong Duterte at imbestigasyon din sa smuggling ng 604 kilogram ng shabu na kinasangkutan ng Davao Group at inabswelto ang anak at manugang ng Pangulo.

Tinukoy din ang pagrapido sa pag-aprub ng isang taong extension ng Martial Law sa Mindanao at ang pagkuyog ng mga kongresista kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Inungkat din ang pagbibigay ng Kamara ng P1 sa Commission on Human Rights para maging badyet ngayong 2018.

“The question is can we trust Congress to take on the task of amending the Constitution?” tanong ni Pangilinan.

“After witnessing the congressional hearings on EJKs, the P6.5 billion BOC shabu smuggling corruption scandal allegedly involving the Davao group, the impeachment of Chief Justice Sereno, the joint session of Congress to approve the 1 year extension of Martial law and the CHR P1,000 ppeso budget slash, my answer is NO!” sagot ni Pangilinan sa sariling tanong.

“We will oppose charter change,” deklarasyon ni Pangilinan, pangulo ng Liberal Party.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?