34

By

Kongreso ang nang-hostage sa dagdag-sweldo ng mga gov’t worker! – Palasyo

Kung mayroon umanong nang-hostage sa umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno, ito ay walang iba kundi ang Kongreso.

Ito ang ganting-tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kay Congressman Rolando Andaya jr, makaraang akusahan ang ehekutibo na hino-hostage ang salary increase ng mga empleyado ng pamahalaan.

Sinabi ni Panelo na gumagamit ngayon ang gobyerno ng reenacted budget dahil sa kabiguan ng Kongreso na ipasa ang 2019 proposed national budget kung saan nakapaloob ang fourth ng salary increase sa ilalim ng Salary Standardization Law.

“The one holding hostage would be Congress, not Executive Department,” ani Panelo.

Dahil hindi naipasa aniya ang 2019 budget ay walang mapagkukunan ng salapi para pondohan ang salary increase, at ito ang dahilan kaya hinihiling sa Kongreso na aksiyonan na kaagad ang naantalang pambansang budget.

“Where will you get the money. But as soon as the budget is enacted, that’s precisely why we’re urging graciously House or Representatives to finish, as well as the Senate, to approve the budget. Para makapasok na kaagad on the second quarter,” dagdag pa ni Panelo.

Kaninang umaga ay hiniling ni Andaya sa Korte Suprema na atasan ang Department of Budget and Management (DBM) para i-release ang fourth tranch ng salary increase ng mga kawani ng gobyerno na dapat sana ay matanggap simula ngayong Enero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?