12

By

Kongresista sa dagdag-sahod sa guro: Kapag gusto, may paraan

Sharing is caring!

Inisa-isa ni 1-Ang Edukasyon Party-list Rep. Salvador Belaro Jr. ang mga pwedeng mapagkunan ng pondo para mabigyan ng umento sa sahod ang mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Belaro, maraming paraan kahit pa walang alokasyon sa ilalim ng 2018 national budget.

Pwede aniya itong idaan sa isang executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte na aamyenda sa bagong salary schedule na itinatakda sa EO No. 201 series of 2016.

Sabi ni Belaro, maaari ring maglaan ng P50 bilyon hanggang P100 bilyong supplemental budget.

Kukunin aniya ang pondo sa General and Development (GAD) fund ng bawat ahensya o sa travel fund ng Commission on Higher Education, Department of Education at iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Dagdag pa ng kongresista, hindi naman kailangang isang bagsakan kundi pwedeng gawing tatlong installment ang umento, depende sa availability ng pondo.

“Kapag gusto may paraan. Hanapan natin ng paraan tulad ng paghanap natin ng paraan para maipatupad ang pagtaas sa suweldo ng mga sundalo at pulis,” ani Belaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?