42
Kongresista gustong siyasatin ang mga 'kolorum' na Pogo sa bansa
Sep 22, 2019 @ 14:34
By

Kongresista gustong siyasatin ang mga ‘kolorum’ na Pogo sa bansa

Matapos matanggap ang ilang ulat na 46 sa 58 Philippine Offshore Gaming Operators (Pogo) sa bansa ay hindi binigyan ng lisensya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), inusig ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ang mga awtoridad na simulan na ang imbestigasyon sa diumano’y kolorum na mga Pogo.

“This early, I call on our financial intelligence and law enforcement units of the PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency), the NBI (National Bureau of Investigation) and the PNP (Philippine National Police) to dig deeper into the personalities behind the gambling enterprise of both the POGOs and the casinos that were granted permits or license to operate by the Pagcor all over the country,” ani Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.

“I may not be too accurate but I am certain that most if not all of the 46 POGOs have no legal personality because their names are not found in the business/company name registry in the Philippines or abroad,” dagdag niya.

Kolorum ang turing ng kongresista sa mga nabanggit na Pogo, dahiil para umano silang mga dyip o bus na hindi naman talaga rehistrado sa gobyerno.

“Para silang (Pogo) jeepney o bus na kolorum operators – ‘yung mga bumibiyahe sa isang partikular na ruta pero walang prankisa mula sa LTO (Land Transportation Office). These kolorum or ‘ghost’ POGOs operate in the Philippines but they are not registered in our country as a business entity,” saad niya.

Ayon kay Barbers, aaari umanong magresulta ang pagsisiyasat sa mga kolorum Pogo sa mga ugnayan sa iligal na droga at iba pang organisadong krimen.

Pinayuhan naman ng mambabatas ang Pagcor na siyasating mabuti ang mga aplikanteng POGO bago gawaran ng lisensya.

“In short, our authorities should determine the beneficial owners and workers of these POGO firms. Are they of good repute and are not associated with persons with questionable reputation, character, honesty and integrity?,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?