33

Jan 14, 2020 @ 15:25
By

Konektado sa Spider-Man: Morbius trailer nilabas na!

Determinadong bumawi si Jared Leto matapos punahin sa kanyang portrayal kay Joker sa ‘Suicide Squad’.

At kitang-kita naman ito sa trailer sa paglipat-bakuran niya mula DC patungong Marvel sa pagganap bilang antihero na si Morbius.

Si Morbius ay kilalang ‘The Living Vampire’ na isang Nobel Prize-winning doctor, kung saan may rare blood disorder at kinailangan ng gamot para hindi mamatay.

Sa kanyang natuklasang cure ay naging tila bampira siya, na nagkaroon ng kapangyarihan tulad ng echolocation at pagkasabik sa dugo.

Nakita din sa trailer si Michael Keaton, na gumanap bilang Vulture sa ‘Spider-Man’, kaya hindi maiwasan ng mga fan na idugtong ang MCU sa Morbius kahit pa Sony ang nag-produce nito at hindi Marvel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?