36

Sep 11, 2021 @ 14:54
By

Koneksyon ni Drilon kay Napoles, narco general pinasabog ni Duterte

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Franklin Drilon sa isyu ng katiwalian kaugnay sa patuloy na imbestigasyon ng Senado sa isyu ng mga biniling medical equipment ng gobyerno para sa paglaban sa COVID-19.

Sa kanyang Talk to the People, inisa-isa ng Pangulo ang mga kontrobersiyal na personalidad na naugnay sa senador na nasangkot din sa katiwalian at illegal drug trade.

Sinabi ng Pangulo na baka gustong magpaliwanag ni Drilon sa taongbayan hinggil sa relasyon nito kay Janet Lim Napoles na nakilala bilang pork barrel scam queen na nagkamal umano ng milyon-milyong piso mula sa pondo ng ilang mambabatas.

“Ito namang si Drilon, he might want to explain his relationship with Janet Lim Napoles since you had discussed corruption on the use of people’s money. And I can still remember that Miss Napoles tampered with billions of pesos,” anang Pangulo.

May mga larawan aniya na ilang beses nakita ang senador kasama si Napoles sa ilang pagkakataon at binigyan din umano siya ng limang milyong piso para sa kanyang kampanya.

“And how did you end up partying in Heritage Park in Taguig with Napoles? Could you call that a perfect coincidence? You claimed that you only met Napoles 10 times, but the photo show your closeness. And is it true that Napoles contributed five million to your campaign? So what did you give in return? Please enlighten Mr. Senator,” dagdag ng Pangulo.

Binanggit din ng Presidente si dating Iloilo mayor Jed Mabilog at isang narco-general na umano’y mga malapit sa senador.

“Can you explain to the Filipinos your connection with former mayor Jed Mabilog and General Garbo, aren’t they both connected in the illegal drug trade? Yung mga tao ninyo noon sa panahon ninyo,” wika ng Pangulo.

Tinanong din ng Pangulo si Drilon kung sino ang namagitan sa pagbebenta umano sa dating iloilo City airport kaya dapat na ipaliwanag niya ito sa taongbayan.

“And since you are talking about Iloilo, can you also tell us who owns the biggest mall in Iloilo City and who brokered the sale of the old Iloilo City airport. We are just curious, Mr. Senator,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang inihayag ng senador sa kasagsagan ng imbestigasyon sa pondo ng Department of Health na mayroon umanong “pre-meditated plunder” batay sa preliminary findings ng Commission on Audit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?