18

Sep 13, 2021 @ 13:35
By

Komprehensibong pag-aaral sa WW2 ipapasok sa Higher Education curriculum

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala upang magkaroon ng komprehensibong pag-aaral ng World War II sa Higher Education curriculum.

Walang tumutol sa pag-apruba sa House Bill 9850 na nakatanggap ng 195 boto.

Sa ilalim ng panukala, ilalaan ang pag-aaral sa WW2 sa 50% ng mandatory Philippine History subject sa ilalim ng general education curriculum ng mga higher education course.

Inaatasan din ng panukala ang Commission on Higher Education (CHED) na makipagtulungan sa Philippine Veterans Affairs Office-Department of National Defense (PVAO-DND) upang makabuo ng programa sa pagpapatupad nito.

Hinihikayat din ng panukala ang mga higher education institution na maglagay ng libro at iba pang resources at reference materials sa kanilang library kaugnay ng WW2 sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?