91

May 21, 2019 @ 19:08
By

Komite sa Senado, binitiwan ni Lacson para kay Bato

Ipapasa umano ni Senador Panfilo Lacson ang chairmanship sa Senate committee on public order and dangerous drugs kay incoming Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ani Lacson, tiwala siyang sa pamamagitan nito, madaling matututunan ni Dela Rosa ang pagiging mambabatas.

“I want him to immediately feel and experience how to balance the plight of those at the receiving end of the abuses and overzealousness of some police officers in the conduct of their operations with the side of law enforcement itself,” aniya.

Hiniling naman umano ni dating Special Assistant to the President Bong Go na mahawakan ang committee on health, ayon kay Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Samantala, pamumunuan naman ni Lacson ang committee on accounts at committee on national defense, na binakante ni outgoing Sen. Gregorio Honasan II.

Mananatili namang chairman ng blue ribbon committee at justice and human rights committee si Senador Richard Gordon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?