1,602

By

Komedyanteng si “Kuhol”, tiklo sa pangmomolestiya sa inaanak

Sharing is caring!

Nahaharap sa kasong child abuse ang komedyanteng si Philip “Kuhol” Supnet dahil sa pangmo-molestiya sa sariling inaanak sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, si Supnet (53) ay inaresto Biyernes ng gabi sa bahay nito sa Barangay North Fairview ng mga kagawad ng QCPD.

Sa kwento ng 10 taong gulang na biktima, magpapa-load sana siya kay Supnet nang bigla umano siyang nitong hilahin papasok ng bahay nito at pinaghahalikan.

Nagsumbong ang bata sa kanyang magulang na agad na inereklamo si Supnet sa mga pulis.

Naka-kulong ngayon si Supnet sa detention cell ng QCPD Station 5.

Inamin naman ng suspek ang ginawa at humingi ng tawad sa biktima at pamilya nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?