28

Jul 13, 2020 @ 14:56
By

Komedyanteng si Kim Idol pumanaw na

Yumao na ang dating “Eat Bulaga” host na si Kim Idol.

Ilang araw ito matapos maiulat na nasa kritikal na kondisyon si Kim Idol at naka-life support.

Kinumpirma ang pagpanaw ni Kim Idol sa edad na 41 ngayong July 13 ng kaibigan niyang si Allan K.

“You were one of the best talents Klownz and Zirkoh have ever had. One of the funniest on and off stage. You will always be remembered by people whose lives you touched through comedy. Rest in peace, Kim Idol. We will miss you,” sabi ni Allan K sa IG post.

Taong 2015 nang ibunyag ni Kim Idol na may arteriovenous malformation ang kanyang utak, isang rare medical condition na “abnormal tangle of blood vessels connecting arteries and veins”.

Natagpuang walang malay ang comedian sa kuwarto niya sa Philippine Arena at agad dinala sa Manila Central University Hospital sa Caloocan City.

Bago ang kanyang pagpanaw, nagtatrabaho si Kim Idol o Michael Argente sa tunay na pangalan, bilang quarantine officer at frontliner sa Bureau of Quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?