533

Oct 23, 2017 @ 13:33

Komedyante, nanghipo ng bellboy

Hinipuan at pinaghahalikan umano ng komedyanteng si Ronie Arana, mas kilala bilang si “Atak”, ang bell attendant sa isang hotel sa Parañaque City.

Dahil dito nahaharap si Atak sa reklamong acts of lasciviousness.

Batay sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Apolinario Santos, biktima ni Atak si Mark Christian Macavinta, 21-anyos, binata, bellboy sa Okada Manila sa Tambo, Parañaque.

 Dakong alas-2:40 ng hapon nitong Oktubre 22, tinulungan umano ni Macavinta si Atak sa pag-aayos ng gamit nito sa complimentary room sa Okada nang bigla itong niyakap, hinalikan at hinipuan sa ari ni Atak.

Nakahulagpos ang biktima na agad na nag-ulat sa kanilang security personnel.

Dinampot ng mga security personnel ng Okada si Atak at dinala sa himpilan ng pulisya. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?