26

Oct 6, 2020 @ 19:55
By

‘Kolorum’ na TNVS company nireklamo sa LTFRB

Ilang TNVS driver ang sumugod sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes para maghain ng reklamo laban sa kompanya nila na diumano’y may colorum operation.

Nasa 30 driver ang nagsagawa ng protesta sa tanggapan ng LTFRB sa Quezon City para magsampa ng reklamo laban sa kompanyang OWTO.

Nais nilang kanselahin ang accreditation ng nasabing kompanya.

Ayon sa mga driver, pinapabiyahe sila nang kolorum at walang provisional authority habang drive to own din ang mga sasakyan nila at kapag hindi nakapagbayad ay ipapasa ito sa ibang driver.

Kabilang pa sa inirereklamo nila ang “kill switch system” ng kompanya kung saan nilalagyan ng device ang mga sasakyan nila para mapatay ng management anumang oras.

Isa umano iyong safety device para iwas holdap pero giit nila, ginagamit iyon para mapatay ng OWTO ang mga makina nila sa iba’t ibang dahilan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?