136
Kolorum at iligal! ‘Online 5-6’ tatalupan ng Kamara
Sep 12, 2019 @ 14:45
By

Kolorum at iligal! ‘Online 5-6’ tatalupan ng Kamara

MANILA – Maituturing umano na kolorum at iligal ang operasyon ng mga nagsulputang online lending website at app sa smartphones dahil sa kawalan ng sapat na panuntunan at regulasyon mula sa mga awtoridad.

Ginawa ni House Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang pahayag sa likod ng napaulat na panghihiya o public shaming sa social media ng mga pamunuan ng tatlong online lending companies sa mga borrower nito na bigong makapagbayad ng utang sa tamang oras.

Paliwanag ni Romero, maituturing na hao-siao o iligal ang mga nasabing lending websites at applications dahil sa kawalan ng sapat na regulasyon mula sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

“Kasi iligal siya eh. Those are illegal, colorum ‘yan eh. Wala silang… they are not sanctioned by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), they are not sanctioned by the Securities and Exchange Commission (SEC). So they just put it together, so it’s illegal,” saad ni Romero.

Ayon kay Romero, napapanahon na upang silipin ng Kamara katuwang ang BSP at SEC ang mga tinaguriang “online 5-6” websites at cellphone applications.

“Pag-aaralan namin and then we try to find out how to regulate it. Definitely kailangan ng regulation ‘yan—whether app-based siya or just the regular online lending website,” saad ni Romero.

“Definitely (it needs to be regulated). The BSP and the SEC should go through this,” dagdag pa ng kongresista.

Ayon ay Romero, lahat ng klaseng pautang ay dapay may sapat na regulasyon at panuntunan upang hindi ito maabuso.

“It has to be regulated. Anything form of lending, it has to go through the proper channels. It should be regulated… eh siyempre Pilipino, kung saan mabilis makautang eh dun sila. But of course, we need to regulate this,” giit ni Romero.

Hindi bababa sa 15 local online lending applications ang puwedeng ma-download ng mga Android phone users sa Google Playstore.

Taltlong online lending apps kabilang na ang Fast Cash Global Lending Inc., Unipeso Lending Company Inc. and Fynamics Lending Inc. ay mga nahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Data Privacy Act of 2012.

Hinihiya umano ng mga nasabing kumpanya ang kanilang mga borrowers na hindi nakakapagbayad ng utang ng tamang oras gamit ang kanilang social media page sa Facebook—kung saan, ibinabandera nito sa kanilang mga post ang mukha ng mga hindi pa nakakapagbayad-utang.

Nais ding ipasilip ni Romero kung ang mga nasabing online lending website at cellphone app ay nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?