19

Dec 6, 2021 @ 15:49
By

Kolektor ng utang binaril, sinilid sa loob ng sako sa Pangasinan

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki na may tama ng baril at nakasilid sa loob ng sako sa tabing ilog sa Uribiztondo, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Remar Dumalao, 32, isang lending collector.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, basag ang bungo, may tama ng baril sa kanang bahagi ng katawan, at bali-bali ang buto ng biktima.

Pahayag ng mga pulisya, mahigit isang linggo nang nawawala ang biktima at huling nakitang nangongolekta ng utang sa Barangay Pangdel.

Dadag pa ng mga ito, maaaring sa ibang lugar pinatay si Dumalao bago isinako at itinapon sa tabi ng ilog.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis sa nangyari at pinaghahahanap na rin ang may sala sa nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,