28

May 10, 2021 @ 12:01
By

Kolektor ng STL tinumba sa Quezon

Patay ang isang kolektor ng mga taya sa Small Town Lottery (STL) matapos itong pagbabarilin sa Candelaria, Quezon nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Emerson Tagana, 68-anyos at residente ng Barangay Malabanban Norte.

Ayon sa awtoridad, nasa isang vulcanizing shop umano ang biktima nang may isang lalaking lumapit at bigla na lamang binaril si Tagana dakong alas-7:30 p.m. ng gabi.

Ilang beses pa umanong pinutukan ng ‘di pa nakikilalang suspek ang biktima na agad naman nitong ikinamatay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa pagpatay na maaaring magturo sa posibleng may gawa ng krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?