48

By

Koleksyon sa TRAIN Law kapos, VAT sinisilip

Inaalam na ngayon ng Department of Finance ang mga posibleng dahilan nang mababang koleksyon sa value added tax (VAT) noong nakaraang taon.

Nabatid na kinapos ang koleksyon sa TRAIN Law sa unang siyam na buwan ng nakaraang taon.

Base sa datos mula sa DOF, P41.9 bilyon ang kita mula Enero hanggang Setyembre mula sa TRAIN Law, mababa ng 5.4 porsiyento sa P44.3 billion revenue target.

Sa ulat ng kagawaran, ang sweetened-beverage excise tax at VAT ang humila pababa ng kita mula sa TRAIN Law hanggang noong nakaraang taon.

Humigit naman sa revenue target ang koleksyon mula sa sin tax at documentary stamp tax.

Paliwanag naman ni Finance Sec. Carlos Dominguez III naging kapakipakinabang naman ang TRAIN Law sa mga nabigyan ng exemption sa personal income tax kayat mas maraming nabili ang mamamayan.

Nabatid na ang Revenue Operations Group ng DOF ang susuri sa mababang kita sa VAT.

Kasabay naman ng mababang koleksyon dahil sa TRAIN Law ay ang pagtaas ng inflation sa bansa mula Enero hanggang Oktubre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?