39

By

Koleksyon ng GOCCs, record-breaking

Isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) ang kanilang record-breaking dividend collections ngayong taon na nagkakahalaga ng P61.3 bilyon.

Mas malaki ito kumpara sa P51.24 bilyon na isinumite ng 56 na GOCCs noong 2018.

Sa ginanap na simpleng seremonya sa Malacañang, pinangunahan ng mga opisyal ng Department of Finance ang pag-remit ng nabanggit na halaga kay Pangulong Duterte.

Walo sa mga GOCCs ang nakapag-ambag ng tig-P1 bilyong cash dividend remittances kabilang dito ang PAGCOR na may pinakamalaking dibidendo na P16.70 bilyon; sinundan ito ng Philippine Deposit Insurance Corporation na may remittance na P4.583 bilyon; pangatlo ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na P4B at pang-apat ang Philippine Ports Authority na may P3.515B.

Ang iba pang GOCC na malaki rin ang dividend remittance ay ang Manila International Airport Authority, Land Bank of the Philippines at National Power Corporation.

Ayon sa DOF, malaki ang maitutulong ng dibidendo para magamit na subsidiya sa ilang mga programa ng gobyerno at para mapunan ang fiscal deficits at social programs ng Duterte administration.

Isinabay na rin sa seremonya sa Malacañang ang pagpapalabas ng monetary board ng BSP ng mga bagong henerasyon ng currency bank notes na pirmado nina Pangulong Duterte at BSP Governor Benjamin Diokno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?