15

Mar 8, 2021 @ 18:21

Kokoy de Santos sa Gameboys S2: Mas maraming kilig moments!

Kung maraming kinilig sa season 1 ng Gameboys, paniguradong ibang level ng tuwa ang mararamdaman ng mga fan sa ikalawang season nito.

Sa panayam ng ‘Anything Goes w/ Jun Lalin’ sa Abante Radyo Tabloidista, nagpatikim ang lead star na si Kokoy de Santos sa mga dapat abangan sa season 2 ng web series nila ni Elijah Canlas.

“Ibang-iba siya sa season 1, mas maraming kilig moments,” saad ni Kokoy.

“Ewan ko andaming moments na hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman niyo kasi ako nung ginagawa namin siya, iba eh,” aniya pa.

Sey pa ni Kokoy, abangan din dapat kung magkakaroon pa ba sila ng mas intimate na eksena sa season 2.

Tapos na ang lock-in taping para sa ikalawang series at kasalukuyan na itong nasa post-production.

Habang hinihintay ang Gameboys S2, mapapanood muna si Kokoy sa ‘Bangon Talentadong Pinoy: Celebrity Edition’ sa TV5, sa Saturday, March 13.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?