64

Mar 25, 2020 @ 21:31
By

Koko walang hininging pabor kay Duque

Pinabulaanan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel ang alegasyon na humingi ito ng tulong kay Health Secretary Francisco Duque para madaling ma-admit ang kanyang asawang si Kathryna na nakatakda na sanang manganak ngayong Miyerkoles, Marso 25.

“Sec. Duque has and had nothing to do with our getting a room and any room at the hospital,” pahayag ni Pimentel sa kanyang text message sa mga reporte rkahapon.

Kumalat sa social media ang istorya na humingi ang senador ng tulong kay Duque ilang oras matapos niyang aminin na nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“I talked to Sec. Duque this morning, March 25, 2020, and he just asked me about my situation. By that time, I have already checked my wife, Kath, in the hospital,” sabi ni Pimentel.

Na-admit umano ang kanyang asawa sa Makati Medical Center sa pagitan ng alas-6:00-7:00. ed between 6 to 7 p.m., Tuesday.

“The good Secretary was informed of my situation apparently by my sister,” sabi ni Pimentel.

Pinutakti ng batikos sa social media ang senator matapos lumabas ang balitang nagtungo ito sa MMC kasama ang kanyang asawa gayong nakasailalim ito sa self quarantine.

Kasama ni Pimentel ang kanyang asawa sa ospital nang matanggap nito ang impormasyon mula sa RITM na nagpositibo siya nasabing virus.

“Yes [I was with her] as she was asked to give birth this morning. I received the call from RITM (Research Institute for Tropical Medicine) when I was already in the hospital last night, hence I left immediately,” sabi ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?