92
koko-pimentel-5

Koko, tututok na lang sa chairmanships

Sinabi ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat nang masanay ang mga tao na isa na lamang siyang ordinaryong senador.

Pinalitan na si Pimentel ni Senador Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate President.

Aniya sa panayam ng himpilang DWIZ, ngayong hindi na siya pinuno ng Senado ay tututukan na lamang niya ang pagiging chairman ng iba’t ibang komite.

“I should dedicate my time on my chairmanships. So I’ll still be busy,” sabi ni Pimentel.

Kasalukuyan umano siyang pinuno ng Committee on Trade, Industry, at Entrepreneurship at Oversight Committee on the Automated Election System.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?