31

By

Koko: Tama na ang drama at sideshow sa PDP-Laban

Sharing is caring!

Nanawagan si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga kasapi ng PDP Laban na maging matatag at huwag patulan ang mga nanggugulo sa partido.

Ayon sa senador, hindi nila kailangang pansinin ang mga nambubulabog dahil naghahanda eleksyon at tuloy ang pagsusulong nila sa federalismo.

“Dapat maging matatag lang kami. Isipin namin ang best interest ng partido. Bawasan na ang drama at sideshow,” panawagan ni Pimentel sa mga myembro ng partido.

“Para sa sa mga lehitimong member huwag kayong mag-alala. Yung mga nababalita lang na kumikilos, hindi naman sila high ranking officers. Karamihan siguro sa nandun non members,” dagdag nito.

Sinabi ito kasunod ng pagpupulong at eleksyon nung Biernes ng mga nag-angkin na tunay na mga lider at myembro ng PDP Laban.

“Hindi tayo apektado diyan. Huwag kayong mag-alala. Tuloy lang tayo sa paghahanda sa 2019 elections. Tuloy sa federalism. Tuloy sa pagdevelop ng political maturity. Dun tayo tumingin sa programa de gobyerno at hindi sa pulitiko,” diin ni Pimentel.

Dahil sa pulong noong Biernes sa Amoranto Stadium sa Quezon City ng mga nag aangkin na PDP Laban, ipatatawag umano ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pimentel at ang lider ng umanoy nanggugulong grupo sa pangunguna ni Rogelio Garcia, isang abogado mula sa General Santos City na inihalal noong Biernes na pangulo ng partido.

Si Pimentel ang pangulo ng partido habang national chairman si Duterte,

Ayon kay Pimentel, dating kasapi ng partido si Garcia pero gumagawa ngayon ng ingay.

Ilan sa mga dumalo sa pulong noong Biernes ay kumalas noong nakaraang kamakailan habang hindi umano kailanman naging kasapi ang ibang nagpunta roon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?