37

Oct 6, 2017 @ 11:26

Koko sinupalpal si Bato: Asan ang peace and order?

Kinuwestiyon ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang ipinagmamalaki ni PNP Chief, Director General Ronald dela Rosa na peace and order na kinakailangang ipagpasalamat sa kanila.

Ito ay kasabay ng pagkondena ni Pimentel sa pagpatay ng riding in tandem kay Puerto Galera, Oriental Mindoro Councilor Melchor Argo at sa anak nitong 15-anyos.

“This is yet another murder by the now usual modus operandi of motorcycle-riding gunmen. Where is the peace and order that (PNP chief) dela Rosa says the people are ungrateful for,” saad ni Pimentel.

Tinutukoy ni Pimentel ang naging pahayag ni dela Rosa na mga ingrato ang mga bumabanat sa anti drug war ng gobyerno.

“Criminals ng being emboldened by what they see as the incompetence of the PNP in catching them,” dagdag ni Pimentel.

Sa rekord, nasa 6,225 ang drug-related deaths simula noong July 2016 hanggag September 2017.

Kabilang dito ang 2,290 cases na under investigation.

Binigyang-diin ni Pimentel na ang mataas na bilang ng unresolved deaths under investigation ay hindi katanggap-tanggap.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?