147

By

Koko, Sara, Bong Go ‘Top 3’ sa internal senatorial survey ng PDP-Laban

Sharing is caring!

Dikit ang puntos ng tatlong kinukunsiderang senatorial bet ng PDP-Laban sa isinagawang survey ng partido.

Ginawa ang survey sa leadership assembly ng PDP-Laban noong nakaraang Biyernes.

Ayon kay Ronwald Munsayac, chief ng Public Information committee ng partido, pinapili ang mga dumalo sa 22 na ikinukunsidera ng partido na ibilang sa kanilang senatorial slate.

Nanguna si Senador Koko Pimentel sa internal survey ng PDP-Laban para sa mga posibleng kumandidato sa pagkasenador sa Mayo 2019.

Nakakuha si Pimentel ng 175 boto mula sa 184 respondent na binubuo ng mga kongresista at mga lider ng partido mula sa iba’t ibang bayan, siyudad at lalawigan.

Pumangalawa si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nakakuha ng 155 boto habang 153 boto naman ang nakuha ni Special Assistant to the President Christopher Go.

Sumunod naman sina Sec. Francis Tolentino (125) na Presidential Adviser on Political Affairs, Davao City Congressman Karlo Alexei Nograles (116) at Sen. Sonny Angara (112).

Ikapitong nakakuha ng maraming boto si dating PNP Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na nakakuha ng 110 boto, sinundan nina Sen. Cynthia Villar (103) at Taguig Congresswoman Pia Cayetano (100).

Sumunod si Maguindanao Cong. Zajid ‘Dong’ Mangungudatu (95), Presidential spokesman Sec. Harry Roque (87), Senador JV Ejercito (85) at Sen. Grace Poe (85).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?