36

Dec 28, 2017 @ 17:13

Koko sa publiko: Salamat sa ‘good’ satisfaction rating

Pinasalamatan ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang publiko dahil sa nakuha nitong positibong trust rating bilang lider ng Senado.

Sa resulta ng fourth quarter Social Weather Stations, lumabas na nakakuha si Pimentel ng “good” satisfaction rating na +49, tatlong puntos na pag-angat sa dating rating nito.

“I am grateful for the continued confidence shown in me by the Filipino people. My wish is that my colleagues in the Senate and I can keep their trust in 2018 as we work harder to improve the quality of life for all,” sabi Pimentel sa isang statement.

Nangako pa si Pimentel na sa pagpapatuloy ng sesyon sa 2018, ipaprayoridad nila ang mahahalagang panukala na isinusulong ng Duterte administration.

“Come January 2018, we will work on the Anti-Terrorism Law, a law creating the National ID system, a law providing Universal Health Care, the Bangsamoro Basic Law, and a measure that would convene Congress as a Constitutional Assembly and pave the way for the shift to Federalism,” ani Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?