26
koko-pimentel
By

Koko sa DOTr: Naipatutupad ba ang Speed Limiter Law?

Pagpapaliwanagin ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang Department of Transportation (DOTr) kung bakit diumano’y hindi pa nito naipatutupad ang Speed Limiter Law o ang Republic Act 10916.

Sa batas na ito na ginawa noon pang 2016, iniuutos na kabitan ng speed limiter o device na magtatakda ng limitasyon sa bilis ng takbo ang lahat ng mga closed van, cargo trailer, public utility vehicles (PUVs), shuttle service at mga tanker truck.

Diumano ay marami pa ang hindi sumusunod batay sa mga naitatalang aksidente ng mga sasakyan.

Tinukoy na halimbawa ang aksidente nitong Martes sa Libmanan, Camarines Norte na kinasangkutan ng dalawang bus, isang truck at dalawang pribadong sasakyan.

Tatlo ang nasawi at 10 iba pa ang sugatan.

Kabilang sa mga nasawi ang mag-asawa na nag-iwan ng isang sanggol.

Ayon kay Pimentel, kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon sa aksidente, susulatan at paaalalahanan na niya ang DOTr na dapat nitong ipinatutupad ang Speed Limiter Law para maiwasan ang mga aksidente at trahedya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?