98

Jan 3, 2018 @ 18:01
By

Koko pumalag kay Alvarez: ‘Di nakikipagkumpetensiya ang Senado sa Kamara

Kinontra si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagbansag ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Senado na “mabagal na kapulungan” dahil kakaunti ang nagagawang batas.

Mariing sinabi ni Pimentel na natatagalan sa Senado ang mga panukalang batas dahil pinag-aaralan at hinihimay nila ang mga ito para masiguro na para sa ikabubuti ng nakararami.

Hindi rin umano nakikipagkumpetensiya ang Senado sa Kamara sa dami ng nagagawang batas dahil ang gusto nila ay kalidad ng mga ito.

Bukod dito, kaniyang binigyang-diin na natural na maraming panukalang batas sa Kamara dahil marami ang mga kongresista at doon nanggagalng ang mga “local bills.”

Halimbawa aniya ng mga panukalang batas mula sa Kamara ang pagpapalit ng pangalan ng eskwelahan, pagsasanib ng mga paaralan at pagdaragdaga ng kama o kapasidad ng mga local na ospita.

“The Senate is ‘nag-aaral na kapulungan.’ Of course, there are many more bills emanating from the House because ‘local bills’ originate from the House,” dagdag ni Pimentel.

“We must all change our mindset – from quantity to quality,” diin nito.

Sina Pimentel at Alvarez ay magkasama sa PDP Laban kung saan kasapi rin si Pangulong Duterte.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Alvarez na mabagal umusad sa Senado ang mga panukalang batas.

Hindi umano si Pimentel ang problema kundi ang institusyon mismo.

“Let us not judge lawmaking in terms of a number of laws passed but in terms of how the laws we pass improve the quality of life on earth in general and the quality of life of Filipinos in particular,” pahayag ni Pimentel. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?