81

May 2, 2020 @ 15:35
By

Koko Pimentel negatibo na sa COVID

Maari nang harapin ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang imbestigasyon ukol sa pagsuway nito sa social distancing matapos niyang magnegatibo sa COVID-19.

Ayon sa mambabatas, negatibo na ang resulta ng kanyang COVID-19 test matapos siyang kuhanan ng sample noong April 13.

Saad niya, tinuturing na siyang recovered sa sakit ngunit nais hintayin ang kumpirmasyon ng Department of Health ukol dito.

Nais niya ding dumalo sa pagbabalik ng sesyon ng Senado sa May 4, ngunit makikinig din sa mga medical advice kung ligtas na ba siyang lumabas matapos ang lampas isang buwan ng isolation.

Matatandaan na binanatan si Pimentel matapos pumunta sa Makati Medical Center para samahan ang asawang manganganak gayong nakakaranas na ito ng sintomas ng virus, at sa mismong ospital din nalaman na positibo siya sa COVID-19.

May nakasampang reklamo kay Pimentel dahil sa hindi nito pagsunod sa quarantine protocol.

Ang hinaing reklamo ni Atty.Rico Quicho sa Department of Justice ay ang paglabag sa RA No. 11332 kaugnay ng non-diclosure ng kanyang health status at paglabag sa Luzon-wide enhanced community quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?