253
koko-yu
By

Koko Pimentel ikakasal kay Kathryn Yu sa Oktubre

Sharing is caring!

Inihayag ni outgoing Senate President Koko Pimentel III na magpapakasal na siya sa kaniyang fiancée na si Kathryn Yu sa darating na Oktubre.

Magaganap aniya ang kasalan matapos niyang maghain sa Oktubre ng kandidatura sa eleksiyon sa Mayo 2019.

“This year, October. Definitely after na ng filing ng COC which is on October 1 to 5,” ani Pimentel na tumanggi nang magbigay ng iba pang detalye.

Sinabi ito ni Pimentel matapos niyang ihayag ang kaniyang pagbaba bilang pangulo ng senado.

Dati niyang asawa ang naging beauty queen na si Jewel Mae Lobaton.

Ikinasal sila noong 2000, naghiwalay noong 2012 at napawalang-bisa ang kanilang kasal noong Enero.

Ayon dito, dahil hindi na siya pangulo ng senado, maatupag na niya ang pag-iikot sa buong bansa para ipaliwanag sa publiko ang federalism na adbokasiya nya at ng pinamumunuang PDP Laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?