262

By

Koko Pimentel aminadong inilaglag ng Hugpong

DAVAO CITY – Aminado si dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na inilaglag siya ng pamunuan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte sa kanilang 13-man Senate slate.

Ginawa ni Pimentel ang pahayag sa kanyang Twitter page matapos kumalat ang larawan ng isa umanong sample ballot mula sa kampo ng HNP kung saan wala ang kanyang pangalan sa listahan ng mga inendorso nitong kandidato sa pagka-senador.

Sa tono ng kanyang pahayag, tila ba inamin na ni Pimentel ng initsapwera nga siya ng partido ng Presidential daughter sa araw mismo ng halalan bagama’t pinasalamatan pa rin niya ito sa pagkakataong ibinigay sa kanya na makapangampanya kasama ang ibang manok ng HNP.

“In spite of this development, I still want to thank HNP and Mayor Inday Sara Duterte for allowing me to campaign with them for the entire 90 days. God bless us all,” saad Pimentel.

Ang dating pangulo ng Senado ay dumalo pa sa nakaraang “Miting de Avance” ng HNP na ginanap sa San Pedro Square sa Lungsod ng Davao noong isang linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?