359
ABANTE TNT senado vicente tito sotto
By

Koko mananatili sa majority bloc kapag nakudeta ni Sotto

Sharing is caring!

Sasama pa rin umano sa majority bloc si Senate President Koko Pimentel kahit mapatalsik ito sa pwesto at palitan ni Senate majority leader Tito Sotto sa Lunes.

Ayon sa source ng Abante, hindi naman sasapi sa minority bloc si Pimentel dahil ang makakasama niya roon ay ang mga senador na kasapi ng Liberal Party (LP) na kabanggaan ng administrasyon na sinusuportahan nito.

Maari naman umanong gawing senate president pro tempore si Pimentel pero depende kung ipararaya ni Senador Ralph Recto na siyang may hawak ngayon ng pwesto.

Dagdag pa ng source, malabo namang gawing majority leader si Pimentel dahil magiging asiwa ang sitwasyon at maaaring maging insulto para rito.

Bukod dito, umano ay naipangako na kay Senador Juan Miguel Zubiri ang pwesto bilang majority leader.

Samantala, may inilabas ng draft resolution na pirmado ng 14 na senador kung saan ibinoboto nila si Sotto bilang pangulo ng Senado.

Nakalagda rito ang mga kasapi ng majority bloc na sina Senators Loren Legarda, Nancy Binay, Sonny Angara, Manny Pacquiao, JV Ejercito, Chiz Escudero, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Ralph Recto, Gringo Honasan, Cynthia Villar, Ping Lacson, Joel Villanueva at Juan Miguel Zubiri.

Ayon sa source, magiging 15 pa ito dahil lalagda si Sen. Grace Poe pagdating nito mula sa abroad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?