477

Feb 5, 2018 @ 14:47
By

Koko kay Trillanes: Kung may ebidensiya ka vs Duterte, ihabla mo sa korte

Binutata ni Senate President Koko Pimentel III ang hirit ni Senador Antonio Trillanes IV na imbestigahan ng Senado ang diumano‘y itinatagong yaman ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Pimentel, hindi ang Senado ang tamang lugar para mag-imbestiga rito.

Idiniin na ang trabaho nila ay lehislasyon o paglikha at pag-amyenda ng batas.

Kung gusto lang ni Trillanes na umingay ito sa mga balita, sinabi ni Pimentel na hindi ito dapat na payagan dahil magiging malaking pagsasayang iyon ng panahon ng Senado

Hinamon nito si Trillanes na magsampa na lang ng aktuwal na kaso sa Korte kung talagang may ebidensya laban sa pamilya Duterte.

Pinuna pa ni Pimentel ang pagpuntirya ni Trillanes sa pamilya ng Pangulo.

Inungkat na inakusahan din ni Trillanes ang anak at manugang ng pangulo na sina Paolo “Pulong” Duterte at Atty. Mans Carpio ng pagkukubli ng malaking bank accounts.

Sinubok iyong kalkalin ni Trillanes sa pagdinig ng Senado ukol sa smuggling ng 604 kilograms ng shabu pero hindi napahintulutan dahil sa Bank Secrecy Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?