271
ABANTE-TNT koko drilon senators
By

Koko kay Drilon: Ipinagtanggol ko na ang Senado, ano pa ang gusto mo?

Sharing is caring!

Mensahe ito ni Senate President Koko Pimentel kay Senate Minority leader Franklin Drilon na humamon sa kaniya na ipagtanggol ang Senado mula sa mga gustong bumuwag dito.

Ayon kay Pimentel, sinagot na niya ang mga bumabatikos sa Senado kaya hindi siya kailangang kulitin pa ni Drilon.

Tinutukoy nito si House Speaker Pantaleon Alvarez na nagsabing ang Senado ay “Mabagal na Kapulungan” dahil makupad umaksyon sa mga panukalang batas na inaprubahan na ng Kamara.

Sinagot ito ni Pimentel na “nag-aaral na Kapulungan” ang Senado at hindi sila obligadong aprubahan ang lahat ng pinagtitibay ng Mababang Kapulungan.

Hindi kuntento si Drilon sa sagot ni Pimentel dahil ang isyu ay hindi lang ang pagtatrabaho ngayon ng Senado kundi ang paninira sa Senado bilang institusyon para makumbinsi ang publiko na dapat na itong buwagin kapag napaamyendahan ang Konstitusyon.

“I have already defended the Senate by responding to what the speaker has said. Why does he want me to continue the word war with the speaker?” sagot ni Pimentel kay Drilon.

Ipinaalala ni Pimentel na magkapartido sila ni Alvarez habang nasa opisisyon si Drilon.

“He belongs to Liberal Party (LP) while the Speaker and I belong to the PDP. Hence why should I do that?” dagdag ni Pimentel.

Dadalo pa umano si Pimentel sa birthday party sa Davao ni Alvarez sa Enero 10

“Walang factions. We will all enjoy the birthday party of Speaker in Davao. We are good friends. Nagtutuksuhan lang kami,” pahayag ni Pimentel. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?