210

Koko kay Castro: Tigilan mo ang pantasya ukol sa PDP-Laban

Sharing is caring!

Sinopla ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III si House Deputy Speaker Fredenil Castro na nagsabing mabubura na sa mapa ng pulitika ang PDP-Laban dahil sa pagkakagulo nito ngayon.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, mariing sinabi ni Pimentel na nambubulabog lang si Castro dahil hindi naman ito miyembro ng partido.

Pantasya rin lang aniya ni Castro ang sinasabi nitong magkakalasan na ang mga myembro ng PDP Laban.

“Ayokong mag-react sa non-member. Kasi si Congressman Castro is a non-member. Siyempre magsa-psywar sa amin ‘yan. Pabayaan na po natin siya sa mga pantasya na gusto niyang sabihin sa publiko. Hayaan na po natin,” ani Pimentel.

Una nang sinabi ni Castro na magtatalunan na ang mga miyembro ng PDP laban sa partidong Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sarah Duterte.

Sinabi ng konggresista na hudyat ng pagbagsak ng partido ang pagkakaroon ng sariling eleksiyon noong Biyernes ng umano ay may 1,000 dating kasapi ng PDP Laban.

Dahil sa nangyari, magpapatawag umano ng pulong si Pangulong Rodrigo Duterte na national chairman ng Partido.

Ayon kay Pimentel, noon pa siya humihingi ng appointment sa pangilo para pag-usapan ang sitwasyon ng partido kaya hihintayin niya ang abiso ukol sa sinasabing pulong.

Idiniin naman na walang gulo ang partido at mayroon lang gustong manggulo.

Sa tingin ni Pimentel, may gumagastos para guluhin ang patido kaya nabigyan ng importansya sa media ang nasabing pulong noong Biyernes.

“Napalaki lang po yan sa media. Kung gusto ng presidente na makipag-usap tungkol sa partido ay napakatagal ko na pong nagre-request sa kanya. Kung ito ang paraan para makapag-meeting e di makikipag-meeting ako,” dagdag ni Pimentel.

Ang PDP-Laban ay itinatag ng kaniyang ama na si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?