By

Koko kay Aguirre: Ipaliwanag mo ang dismissal ng drug cases

Sharing is caring!

Nakiisa si Senate President Koko Pimentel sa paghingi ng paliwanag ng Department of Justice (DOJ) ukol sa pagbasura ng drug cases laban sa umano’y drug dealers na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.

Kailangan aniyang malaman kung bakit nabasura ang reklamo at kung sino ang nagkulang sa pagpapalakas ng kaso.

Sa mga panayam, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mahina ang reklamong isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa hinihinalang drug dealers kahit kay Espinosa na umamin sa Senado ukol sa kaniyang mga ilegal na gawain.

Hindi isinama ng CIDG sa mga isinumite sa panel ng prosecutors ng DOJ ang transcript ng pagkukumpisal ni Espinosa sa Senado.

Ayon kay Pimentel, handa nilang ibigay sa CIDG o sa DOJ ang transcript

kung kailangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?