375
koko-pimentel

Koko, Kathryn ikakasal na ngayong taon

Sharing is caring!

May posibilidad na ikasal na ngayong taong ito si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa kanyang kasintahang si Kathryn Yu.

“Malapit na,” pagkumpirma ni Yu kahapon sa mga Senate reporters.

Nang tanungin mangyayari ba ito bago ang paghahain ng certificates of candidacy ni Koko sa Oktubre, sinuklian lang niya ito ng ngiti.

Puwede na ba siyang tawaging “Mrs. Pimentel” bago State of the Nation Address sa Hulyo, sagot naman ni Yu, “Yes, sana…Basta malapit na.”

Ayaw namang kumpirmahin o itanggi ni Pimentel kung totoo nga bang ikakasal na sila Yu ngayong taong ito.

“Kung totoo yan, invitations will be sent in due time, kung totoo yan,” sambit ni Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?