By

Koko: ‘I willing to resign as Senate President’

Sharing is caring!

Hindi na umanong kailangan pang magsagawa si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa kanyang mga kasama sa Senado.

Ito’y kasunod nang ulat nang paglagda ng isang resolusyon ng 14 na senador ng mayorya na nagpapahayag ng panawagan ng magkaroon ng ‘reorganization’ at paghalal kay Majority leader Vicente Sotto II bilang bagong Senate President.

“I have no idea about that reso (resolution) because Tito Sen (Sotto) has not mentioned it to me. Open naman ang communication lines namin,” sambit ni Pimentel.

Sa 17 miyembro ng majority bloc, tanging sina Pimentel at Sen. Grace Poe na lang ang hindi pumipirma.

Nauna nang sinabi ni Pimentel na walang mangyayaring pagbabago sa liderato ng Senado sa Lunes.

Sinabi naman n i Sen. Gregorio Honasan na may gagawing pagupupulong ang majority bloc sa Lunes. Hindi naman nito sinabi kung ano ang adyenda ng kanilang pagpupulong.

Pero giit ni Pimentel, nakahanda naman siya sakaling palitan man siya bilang lider ng Senado.

“I am willing to be replaced,” ayon kay Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?