27

Koko hindi ‘kapit-tuko’ sa puwesto

Sharing is caring!

Bukas si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagbabago ng liderato sa Senado. Ito’y sa kanila ng lumabas resolusyon kung saan 14 na senador na ang lumagda para suportahan si Senate Majority Leader Vicente Sotto III bilang susunod na lider ng Senado.

“We are open to that,” pahayag ni Pimentel.

“Dapat handa tayo ibigay ang position or i-share ‘yng position, ‘yung experience na maging head sa iba naman. Dapat po ganyan ang kahandaan ng lahat ng officers ng Senado,” dagdag pa nito.

Sa Lunes, magsasagawa ng caucus ang majority block para talakayin ang ‘reorganization’ sa Senado.

Sabi ni Pimentel, nagpatawag sila ng pulong para linawin ang ilang isyu tulad ng inilabas na resolusyon na nilagdaan ng 14 na senador ng mayorya.

“Nag set kami ng majority caucus ngayong Lunes para klaruhin po namin ‘yang issues nay an – kailan ba namin gagawin, ano ba ang sentimiyento ng majority sa Senado,” sabi pa ni Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?